Wednesday, 05 October 2011 03:51
Mapalad ang Bayan ng Pilar sa pagkakaroon nila ng isang matinong punongbayan na si Mayor Charlies Pizarro, Jr.
Tulad din si Charlie ng kanyang ama kung gumanap ng tungkulin sa bayan. Kumbaga kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.
Noong nabubuhay pa ang butihinh ama ni Mayor Charlie Pizarro, Jr. na si Mayor Carlos “Carling” Pizarro, Sr. ay naging Darling of the Press ito sa kabaitan.
Napakagaling makisama sa lahat ng tao si Attorney Carlos Pizarro, Sr.
Wala siyang pinipiling harapin sa tanggapan nito sa munisipyo. Mahirap man o hindi; may kapansanan man o wala ay welcome lahat sa ama ni Charlie.
Napakamatulungin sa mga nangangailangan lalo na sa mahihirap na kababayan niya sa Pilar at higit sa lahat ay napakaKWELANG alkalde si Attorney Pizarro.
Napakasayang kausap nito at halos barkada ang press people sa Bataan noong dekada ’80.
Dahil rito ay maraming mapagmasid sa takbo ng pulitika sa Bataan na puwedeng i-tandem di-umano si Mayor Charlie Pizarro, Jr. bilang Vice Governor ni Cong. Abet Garcia sa 2013 elections o kung hindi ay baka sa pagkabokal mapabilang sa partido ni Abet Garcia.
Samantala ay sinasabing in the bag na rin ang asawa ni Charlie Pizarro sa mayoralty race sa Pilar sa darating na halalan 2013 o baka umano wala ng maging kalaban si Mrs. ALICE PIZARRO sa baying ito. – WELLMAN LOZANO
Source: The Bataan Post News, Vol. 3 No. 1, September 8-14, 2011


